Nakapag-submit na ko ng resignation letter sa wakas. Pagkatapos ng araw-araw na pagrereklamo at pagkausap nang medyo di matino sa sarili, nagawa ko rin i-finalize ang resignation letter na ginawa ng isang kaibigan para sa 'kin noong Linggong sabi ko ay mag-re-resign na talaga ako. Pero di ko naman ginawa. Di ko binigay sa editor ko kahit sabi ko sa kanya ay gusto ko na i-give up ang trabaho at may nakahanda na akong resig letter. Iyun yung pagkatapos niya sabihin ang evaluation niya sa akin. Halos lahat ng criteria bagsak ang grade. Halos di ko na rin inintindi maigi dahil parang alam ko na rin naman na bagsak yun.
Di naman dahil dun kaya ko ginusto mag-resign. Araw-araw kasi nahihirapan ako. Sa pag-meet ng deadline ng pag-submit ng leads at ng mismong story, parati akong sablay. Minsan sobrang huli na, tinatapon na lang. Minsan naman ginagawa na lang news briefs na isang paragraph lang at walang pangalan. Pero minsan, nangyayari talagang wala ako naisa-submit--na siya namang dahilan kaya ako napagalitan nang bongga sa email ng isa kong editor.
Nahihirapan din ako minsan na wala akong makitang istoryang pwedeng isulat. Minsan naman meron, pero sobrang hindi ko maintindihan. At minsan, siempre binibigyan ako ng mga events para i-cover. Yun ang di ko masyado gusto. Minsan kasi di sapat ang oras na binibigay para malaman ko kung tungkol ba talaga saan yung event. Minsan naman kampante akong pupunta sa event dahil akala ko alam ko na yung tungkol sa topic, pero sa huli wala akong naisusumite kasi sa dami ng speakers sa event na yun at sa dami ng jargon na ginamit, hindi ko na alam kung paano tatahiin ang mga detalye. Pero bukod sa ganoong mga problema, andun din yung hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ng speaker dahil foreigner siya. Kaya kahit naka-on ang recorder ko, wala rin akong mapapala dahil di ko talaga maintindihan yung sinasabi.
Isa pa yang recorder na yan. Yung cellphone ko ang ginagamit ko ngayon na pang-record. Palibasa nasira na ata talaga yung Sony recorder na binili ko sa dati kong ka-opisina. Sayang lang ang ginastos at ipinagod ko dun para dalhin pabalik-balik sa repair centers. Mukang nasira na talaga. Balik sa sinasabi ko, ang cellphone ko ang ginagamit kong recorder ngayon. Kaya naman kapag nagrerecord ako, di ako makapagtext at makatawag. Ang pathetic talaga. At kapag tapos na ang recording, di ko naman mapakinggan agad kung hindi ililipat sa laptop dahil sinira ng kapatid ko yung audio jack ng cellphone ko. Letse.
Antok na pala ko.
No comments:
Post a Comment